Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, handang magsikap kasama ng Pransya para mapasulong ang kooperasyong Sino-Europeo

(GMT+08:00) 2020-08-30 12:18:33       CRI

Sa kanyang pakikipag-usap nitong Sabado, Agosto 29, 2020 (local time) kay Jean Yves Le Drian, Ministrong Panlabas ng Pransya, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay hindi lamang nakakaapekto sa daigdig, kundi ito rin ay isang panawagan para sa pagkakaisa ng buong sangkatauhan.

Sinabi ni Wang na matapos maging normal ang mga hakbang sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, ang kanyang unang pagdalaw sa Pransya ay lubos na nagpapakita ng pagpapahalaga ng panig Tsino sa Pransya bilang isang nagsasariling malaking bansa, at pagpapahalaga rin sa Unyong Europeo bilang mahalagang bahagi ng daigdig.

Ani Wang, nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Pranses para mapaunlad pa ang relasyong Sino-Pranses, mapasulong pa ang kooperasyong Sino-Europeo, at mas mabisang mapangalagaan ang multilateralismo.

Ipinahayag naman ni Jean Yves Le Drian na napakahigpit ng relasyong Pranses-Sino, at mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng kooperasyon ng dalawang bansa.

Nakahanda aniya ang panig Pranses na palalimin kasama ng panig Tsino, ang pagtutulungan para mapalalim ang kooperasong may mutuwal na kapakinabangan sa iba't-ibang larangan.

Lubos aniyang pinahahalagahan ng Pransya ang relasyong Europeo-Sino.

Nakahanda ang Pransya na magsikap kasama ng Tsina upang mapasulong ang pagtatamo ng tagumpay ng pagpapalagayang pulitikal ng Europa at Tsina sa susunod na yugto, at marating ang kasunduang pampamumuhunan ng Europa at Tsina, dagdag pa niya.

Bukod dito, buong pagkakaisang napagkasunduan ng dalawang panig na gawing komong responsibilidad ng Tsina at Pransya ang pangangalaga at pagpapatupad sa multilateralismo.

Ito rin anila ay pinakamahalagang tungkulin sa kasalukuyang panahon.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>