Ipinadala Setyembre 2, 2020, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kay Nguyen Phu Trong, Pangulo ng Biyetnam, ang mensaheng pambati sa Ika-75 Anibersaryo ng pagkakatatag ng Socialist Republic of Vietnam.
Tinukoy ni Xi na nananalig siyang sa pamumuno ng Komisyong Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam na pinamumunuan ni Nguyen Phu Trong, tiyak na maalwang maisasakatuparan ng Biyetnam ang iba't ibang target sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.
Binigyan-diin ni Xi na ang taong ito ay Ika-70 Anibersaryo ng pagkakatatg ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Biyetnam, ang relasyon ng dalawang bansa at dalawang partido ay pumasok sa mahalagang yugto. Sa harap ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), nagtutulungan ang Tsina at Biyetnam, na lubos na nagpapakita ng malalim na pagkakaibigan ng dalawnag bansa. Lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyong ng dalawang bansa, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Biyetnam, para magkasamang pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Sa hiwalay na okasyon, ipinadala ang mensaheng pambati ni Premiyer Li Keqiang ng Tsina kay Premiyer Nguyen Xuan Phuc ng Biyetnam, ipinadala rin ang mensaheng pambati ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina kay Pham Binh Minh, Pangalawang Premiyer at Ministrong Panlabas ng Biyetnam, at ipinadala ang mensaheng pambati ni Li Zhanshu, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) kay Nguyen Thi Kim Ngan, Tagapangulo ng Pambansang Asembliya ng Biyetnam, bilang pagbati sa Ika-75 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Biyetnam.
Salin:Sarah