Simula Setyembre 3, 2020, unti-unting panunumbalikin ng Beijing, Tsina ang mga direct inbound flight mula sa 8 bansang kinabibilangan ng Thailand, Kambodya, Pakistan, Greece, Denmark, Austria, Sweden at Kanada, kung saan may mas kaunting imported cases ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Kaugnay nito, dumating kaninang umaga sa Beijing Capital International Airport ang flight na CA746 mula Phnom Penh, Kambodia.
Ito ang unang international inbound flight na sinalubong ng nasabing paliparan, pagkatapos ng 5 buwang ban upang kontrolin ang panganib ng mga imported cases.
Salin: Vera