China National Convention Center, Beijing—Gaganapin dito ang 2020 World Winter Sports (Beijing) Expo (WWSE) sa malapit na hinaharap.
Ang naturang ekspo ay itataguyod, bilang bahagi ng 2020 China International Fair for Trade in Services (CIFTIS). Magpopokus ito sa mahalagang katayuan ng industriya ng yelo't niyebe sa modernong pandaigdigang kalakalang panserbisyo.
Ayon sa salaysay, aanyayahan sa nasabing ekspo, hindi lamang ang mga mahalagang panauhin mula sa International Olympic Committee (IOC), General Association of International Sports Federations (GAISF), at United Nations (UN), kundi rin ang mahigit 20 malalakas na bansa sa larangan ng winter sports. Lampas sa 500 ang mga domestiko't dayuhang tatak na kalahok sa nasabing ekspo, kabilang dito, ang mga pandaigdigang tatak na katumbas ay 60%.
Sa kasalukuyan, kumakalat sa buong mundo ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), pero kasabay ng mabisang pagkontrol ng Tsina sa pandemiya, ang pagtitipun-tipon ng mga malakas na bansa at kompanya sa industriya ng yelo't niyebe ay, walang duda, makakatulong sa pagpapasigla ng kabuhayan ng yelo't niyebe ng bansa.
Salin: Vera