|
||||||||
|
||
Moscow — Nag-usap nitong Biyernes, Setyembre 4, 2020 sina Wei Fenghe, Kasangguni ng Estado at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, at Rajnath Singh, Ministro ng Tanggulang Bansa ng India. Kalahok sila sa magkakasanib na pulong ng mga kasaping bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), Commonwealth of Independent States (CIS), at Collective Security Treaty Organization (CSTO).
Ipinahayag ni Wei na dahil sa isyung panghanggahan, malubhang naaapektuhan kamakailan ang relasyon ng dalawang bansa at hukbo. Napakahalaga aniya ng matapat na pagpapalitan ng dalawang Ministrong Pandepensa ng kuru-kuro tungkol sa may kinalamang isyu.
Ani Wei, sa punto de vista ng pangkalahatang kalagayan ng relasyong Sino-Indyano at kapayapaan at katatagang panrehiyon, dapat magkasamang magsikap ang dalawang panig para mapahupa ang kasalukuyang maigting na situwasyon at mapangalagaan ang kapayapaan at katahimikan sa lugar na panghanggahan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Singh na sa kasalukuyang kalagayan, napakahalaga ng kapayapaan at katatagang panghanggahan para sa bilateral na relasyong Indyano-Sino.
Dapat aniyang panatilihin ng dalawang bansa ang kanilang diyalogo sa iba't-ibang lebel upang mapayapang malutas ang problema sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |