Ipinahayag kamakailan ni S. Jaishankar, Ministrong Panlabas ng India, na magmula noon hanggang sa hinaharap, hindi magiging bahagi ng sistemang pang-alyansa ang India.
Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing nitong Miyerkules, Hulyo 22, 2020 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na umaasa at naniniwala ang panig Tsino na bilang isang mahalagang puwersa sa proseso ng world multi-polarization, makakayang igiit ng India ang nagsasariling patakarang panlabas upang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagang panrehiyon sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon at mapapatingkad nito ang konstruktibong papel sa mga suliraning pandaigdig.
Salin: Lito