|
||||||||
|
||
Magkakasamang ipinalabas ng Beijing Municipal Health Commission, Tanggapan ng World Health Organization(WHO) sa Tsina, at iba pang organong pangkalusugan ang Beijing Initiative sa Porum sa Pampublikong Kalusugan ng China International Fair for Trade in Services (CIFTIS), na idinaos Setyembre 6, 2020.
Ayon sa inisyatiba, dapat panatilihin ng iba't ibang panig ang bukas, transparent, at paggalang sa isa't isa, para magkasamang malabanan ang banta ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) at pasulungin ang kaligtasan ng pampublikong kalusugan ng buong mundo.
Sinabi ni Chen Bei, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng Munisipal na Pamahalaan ng Beijing, na ang kaligtasan ng pampublikong kalusugan ay importanteng isyung may kinalaman sa pamumuhay ng buong sangkatauhan at pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.
Dapat pag-isahin aniya ang karunungan at lakas ng buong daigdig nang sa gayo'y magtagumpay ang laban kontra COVID-19.
Kaya, napakahalaga ng kooperasyong pangkalusugan ng buong daigdig, diin ni Chen.
Sinabi pa niyang ang magkakasamang pagsisikap ng iba't ibang panig ay tiyak na magbibigay ng mas maraming ambag para sa pagtatatag ng pinagbabahaginang kinabukasan ng kalusguan ng buong sangkatauhan.
Salin:Sarah
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |