Sa kanyang talumpati nitong Biyernes, Setyembre 4, 2020 sa Global Trade in Services Summit ng 2020 China International Fair for Trade in Services, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa kasalukuyan, hindi pa komprehensibong nakontrol ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Aniya, kasalukuyang kinakaharap ng iba't-ibang bansa ang napakahirap na tungkulin ng pakikibaka laban sa epidemiya, pagpapatatag ng kabuhayan, at paggarantiya sa pamumuhay ng mga mamamayan.
Dagdag ni Xi, sa kalagayang ito, napawi ng Tsina ang napakaraming kahirapan at itinaguyod ang isang malaking pandaigdigang aktibidad na pangkabuhayan at pangkalakalan para mahikayat ang iba't-ibang bansa na magkakasamang magsikap upang makahulagpos sa mga kahirapan, mapasulong ang kaunlaran at kasaganaan ng pandaigdigang kalakalang pangserbisyo, at mapasulong ang pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig sa lalong madaling panahon.
Salin: Lito