Sa kanyang talumpati nitong Biyernes, Setyembre 4, 2020 sa Global Trade in Services Summit ng 2020 China International Fair for Trade in Services, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na palalawakin ng Tsina ang base ng pagluluwas ng espesyal na serbisyo, at pauunlarin ang bagong industriya at modelo ng kalakalang pangserbisyo.
Ani Xi, nakahanda ang Tsina na palakasin kasama ng iba't-ibang bansa, ang pagkokoordinasyon ng makro-polisya, pabilisin ang kooperasyong pandaigdig sa larangang digital, palakasin ang pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari sa likhang-isip (IPR), at aktibong pasulungin ang digital economy para magkakasamang pakinabangan ang masiglang pag-unlad ng kabuhayan at mapasulong ang walang tigil na pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Lito