Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Turismo ng Pilipinas, naka-eksibit sa CIFTIS: posibleng muling magbukas sa mga biyaherong Tsino sa unang kuwarter ng 2021

(GMT+08:00) 2020-09-08 18:06:04       CRI

Sina Dr. Erwin Balane (sa kaliwa), Tourism Attache ng Pilipinas sa Beijing, at Rhio Zablan (sa kanan), mamamahayag ng Serbisyo Filipino ng CMG

Bagamat pansamantala pa ring sarado ang pinto ng Pilipinas sa internasyonal na turismo, patuloy na ipinakikilala ng bansa ang mga destinasyong panturista nito sa mga mamamayang Tsino.

Kaugnay nito, kalahok sa idinaraos na China International Fair for Trade In Services (CIFTIS) ang Department of Tourism-Beijing Office (DoT Beijing) para sa isulong ang layuning ito.

Sa panayam Martes, Setyembre 8, 2020 sa Serbisyo Filipino-China Media Group (SF-CMG), sinabi ni Dr. Erwin Balane, Tourism Attache ng Pilipinas sa Beijing, dalawa ang layon ng pagsali ng Pilipinas sa CIFTIS: ang una, ay para isustena ang katayuan ng Pilipinas bilang isa sa mga pangunahing destinasyong panturismo ng mga Tsino at pangalawa, ay pagpapalakas ng relasyon sa mga kasalukuyang trade partner na Tsino.

Sa paraang ito aniya, sa sandaling mapagtagumpayan ng Pilipinas ang pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), muling isusulong ng mga trade partner na Tsino ang pagpo-promote ng mga destinasyong panturismo at iba pang produktong Pilipino sa mga mamamayang Tsino.

Aniya pa, nagkaroon kahapon ng business-to-business session sa online na plataporma ang mga kompanyang Pilipino at kanilang mga trade partner na Tsino, at maganda ang prospek ng kanilang relasyon sa hinaharap.

Pabilyon ng Department of Tourism-Beijing Office sa 2020 CIFTIS

Tungkol naman sa mga nagpupuntang Tsino sa booth ng DoT Beijing sa idinaraos na CIFTIS, sinabi ni Balane na napakarami ng mga Tsinong nagpupunta, kumukuha ng mga brochure at nagtatanong kung kailan muli magbubukas sa turismo ang Pilipinas, at ito ay mataas na indikasyong gusto talaga ng mga mamamayang Tsino na muling makapagbiyahe sa Pilipinas.

Pero, dahil hindi pa ganap na kontrolado ng Pilipinas ang pandemiya ng COVID-19, hindi pa aniya siya maaaring magbigay ng espesipikong petsa ng muling pagbubukas ng bansa.

Ngunit, naniniwala si Balane na may liwanag sa dulo ng madilim na kuweba.

Dahil aniya sa mga pag-unlad na natamo at natatamo ng Tsina sa larangan ng pagdedebelop ng bakuna, at higit sa lahat, sa binitiwang salita ni Pangulong Xi Jinping na isa ang Pilipinas sa mga bansang unang makakatanggap ng bakuna, sa sandaling maisapinal ito, maaaring sa unang kuwarter ng 2021 ay muli nang magbukas ang pinto ng turismo ng Pilipinas para sa mga biyaherong Tsino.

Sina Dr. Erwin Balane (sa kaliwa), Tourism Attache ng Pilipinas sa Beijing, at Rhio Zablan (sa kanan), mamamahayag ng Serbisyo Filipino ng CMG

Ang CIFTIS ay ang kauna-unahang pandaigdigang kaganapan hinggil sa kalakalan at pagnenegosyo na idinaos ng Tsina sa offline plataporma, matapos nitong pangkalahatang makontrol ang pandemiya ng COVID-19.

Layon nitong hikayatin ang iba't-ibang bansa na magkakasamang magsikap upang makahulagpos sa mga kahirapan, mapasulong ang kaunlaran at kasaganaan ng pandaigdigang kalakalang panserbisyo, at mapasulong ang pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig sa lalong madaling panahon.

Ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na nakahanda ang kanyang bansa na palakasin kasama ng iba't-ibang bansa sa daigdig, ang pagkokoordinasyon ng makro-polisya, pabilisin ang kooperasyong pandaigdig sa larangang digital, palakasin ang pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari sa likhang-isip (IPR), at aktibong pasulungin ang digital economy para magkakasamang pakinabangan ang masiglang pag-unlad ng kabuhayan at mapasulong ang walang tigil na pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig.

Ulat: Rhio
Photo: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>