|
||||||||
|
||
Sa okasyon ng Pambansang Buwan ng mga Guro ng Pilipinas, binisita Miyerkules, Setyembre 2, 2020, ni Xie Yonghui, Counsellor ng Embahadang Tsino sa Pilipinas, ang pamilya ni Eloisa Gicar, isang guro na nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Bilang pagpupugay sa mga gurong Pilipino, inihatid ni Xie kay Eloisa ang mga kaloob ng Embahadang Tsino na kinabibilangan ng P50,000 piso, 100 kilo ng bigas, 10 litro ng mantika, 100 medical protective mask, at iba pa.
Mahaba ang tradisyon at kultura ng pagpapahalaga sa edukayson at paggalang sa mga guro, ani Xie.
Sa espesyal na okasyong ito, hangad niyang maging malusog at bumuti ang kalagayan ng lahat ng gurong Pilipino at agad silang makaahon sa negatibong epekto ng pandemiya.
Sinabi ni Xie na sapul nang sumiklab ang pandemiya ng COVID-19, patuloy ang pagtutulungan ng Tsina at Pilipinas upang magkasamang mapagtagumpayan ang pandemiyang ito.
Aniya pa, nakahanda ang Embahadang Tsino na tulungan ang mga mamamayang Pilipino upang maka-alpas sa kasalukuyang kahirapan.
Pinasalamatan naman ni Eloisa ang mga kagamitan at perang kaloob ng Embahadang Tsino.
Sinabi niyang nasadlak sa kahirapan ang pamumuhay ng kanyang pamilya dahil nawalan siya ng trabaho.
Napapanahon ang mga tulong ng Embahadang Tsino, aniya pa.
Animnaput limang (65) taong gulang na si Eloisa Gicar at bago siya mawalan ng trabaho, siya ay isang guro sa isang pribadong paaralan.
Makaraang magsara ang paaralan dahil sa pandemiya, napilitang maglako si Ginang Gicar, bagay na nakatawag malawakang pansin sa social medai.
Nang mabalitaan ito ng Embahadang Tsino, agad itong nakipag-ugnayan sa kanya.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio / Jade
Photo Source: Chinese Embassy in Philippines
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |