Ipinatalastas nitong Lunes, Setyembre 8, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa pamamagitan ng video link, idaraos ang serye ng Pulong ng mga Ministrong Panlabas sa Kooperasyon ng Silangang Asya mula Setyembre 9 hanggang 12.
Sinabi ni Zhao na sa paanyaya ni Pham Binh Minh, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Biyetnam — kasalukuyang bansang tagapangulo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), dadalo ngayong araw, Setyembre 9, sa kaukulang pulong si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina.
Salin: Lito