Sa Ika-4 na Eastern Economic Forum (EEF), bumigkas nitong Miyerkules, Setyembre 12, 2018, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng talumpating pinamagatang "Magkakasamang Pagtatamasa ng Bagong Pagkakataon ng Pag-unlad ng Far East, at Paglikha ng Magandang Kinabukasan ng Hilagang Silangang Asya" kung saan iniharap niya ang apat na mungkahi para sa pagpapasulong ng kapayapaan, katatagan, kaunlaran, at kasaganaan sa rehiyong ito sa bagong kalagayan. Ito ay nakakapagpasigla sa pagtatatag ng Northeastern Economic Circle at pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad ng rehiyong ito.
Ang rehiyong Hilagang Silangang Asyano ay sumasaklaw ng anim na bansang kinabibilangan ng Tsina, Rusya, Mongolia, Timog Korea, Hilagang Korea, at Hapon. Ang kanilang populasyon ay katumbas ng 23% ng kabuuang populasyon ng buong daigdig, at ang kabuuang bolyum ng kabuhayan nila naman ay katumbas ng 19% ng buong daigdig. Noong taong 2015, naitatag ang Eastern Economic Forum na nagsisilbing itong bagong platapormang pangkooperasyon ng nasabing rehiyon. Sa kasalukuyan, ang Hilagang Silangang Asya ay nagiging isa sa mga rehiyong may pinakamalaking potensyal ng pag-unlad, at pinakamabilis na paglaki ng kabuhayan. Ngunit, ang unilateralismo at proteksyonismo ay nakakalikha ng panlabas na hadlang sa malalimang kooperasyon ng Hilagang Silangang Asya. Sa kalagayang ito, ang pagtatatag ng bukas na kabuhayang panrehiyon at pagpapataas ng kapakanan ng mga mamamayan ay nagiging komong kahilingan ng iba't-ibang bansa sa rehiyong ito.
Sa kanyang talumpati, iniharap ni Pangulong Xi ang komong hangaring nagsisikap para maitatag ang Northeastern Economic Circle. Para maisakatuparan ang hangaring ito, iniharap ni Xi ang mga mungkahing kinabibilangan ng pagpapaunlad ng estratehikong pag-uugnayan, pagpapataas ng lebel ng konektibidad ng transnasyonal na imprastruktura, kalakalan, at liberalisasyon at pagsasaginhawa ng pamumuhunan, pagpapasulong ng multilateral at sub-rehiyonal na kooperasyon, at iba pa.
Salin: Li Feng