|
||||||||
|
||
Singapore—Huwebes ng hapon, Nobyembre 15, 2018, dumalo si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa ika-13 Summit ng Silangang Asya. Kalahok din dito ang mga lider ng sampung bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), sina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea, Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon, Punong Ministro Narendra Modi ng India, Punong Ministro Scott Morrison ng Australia, Punong Ministro Jacinda Ardern ng New Zealand, Pangalawang Pangulong Mike Pence ng Estados Unidos at iba pa.
Ipinahayag ni Li na nitong nakalipas na 13 taon sapul nang itatag ang Summit ng Silangang Asya, nagsilbi itong mahalagang plataporma ng pagpapasulong sa diyalogo at kooperasyon ng rehiyon ng Silangang Asya, at nagpatingkad ng mahalagang papel para sa pagpapahigpit ng pag-uunawan at pagtitiwalaan ng iba't ibang panig, pangangalaga sa kapayapaan at katatagan at rehiyon, at pagpapasulong sa kaunlaran at kasaganaan ng rehiyon.
Iniharap din niya ang limang mungkahi tungkol sa ibayo pang pagpapasulong sa kooperasyon ng Silangang Asya: una, igigiit ang multilateralismo; ika-2, pangangalagaan ang malayang kalakalan; ika-3, pabibilisin ang proseso ng integrasyon ng kabuhayang panrehiyon; ika-4, pasusulungin ang sustenableng pag-unlad at kooperasyon ng rehiyon; at ika-5, isasagawa ang diyalogo at kooperasyon sa seguridad na pulitikal.
Kaugnay ng isyu ng South China Sea, tinukoy ni Li na sa kasalukuyan, matatag ang tunguhin ng kalagayan ng nasabing karagatan. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng mga bansa sa rehiyong ito, para itatag ang South China Sea bilang isang karagatang may kapayapaan, pagkakaibigan at kooperasyon. Dagdag pa ni Li, nagpupunyagi ang Tsina para pasulungin, kasama ng iba't ibang bansang ASEAN, ang pagsasanggunian sa Code of Conduct in the South China Sea (COC), matapos mabuo ang single draft negotiating text ng COC ngayong taon. Umaasa siyang igagalang at kakatigan ng mga bansa sa labas ng rehiyon ang pagsisikap ng mga bansa sa rehiyong ito.
Pinagtibay sa summit ang mga dokumentong gaya ng "Pahayag ng Mga Lider ng Summit ng Silangang Asya Tungkol sa ASEAN Smart City."
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |