Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina: Paglikha ng Amerika ng isyu kaugnay ng yamang tubig ng Mekong River, labag sa katotohanan

(GMT+08:00) 2020-09-09 16:01:56       CRI

Ang pahayag ng Amerika sa yamang tubig sa Mekong River ay labag sa katotohanan, ipinahayag ito Setyembre 8, 2020, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, bilang tugon sa pagpapaigting ng Amerika sa usaping ito.

Ayon sa ulat, sinabi kamakailan ni David Stilwell, Asistenteng Kalihim ng Estado ng Amerika, na para sa kapakanan ng sariling bansa, minamanipula ng Tsina ang daloy ng Mekong River, na lubhang nakakaapekto sa interes ng ibang bansa. Ito aniya ay lumilikha ng mahigpit na hamon sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ipinahayag ni Zhao na nitong nakaraang taon, walang tigil na pinapalaki ng Amerika ang isyu ng Mekong River na naglalayong sirain ang kooperasyon ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC).

Sinabi din niyang dapat tumpak na malaman ang mga ginawa ng Tsina para sa kooperasyon sa Lancang-Mekong River nitong mga taong nakalipas.

Sa Ika-3 na Pulong ng mga Lider ng LMC na idinaos kamakailan, ipinatalastas ni Premiyer Li Keqiang ng Tsina na ibabahagi ng Tsina ang hydrological data ng yamang tubig sa buong taon ng Lancang River sa mga bansa ng LMC, na lalo pang magpapataas sa lebel ng kooperasyong pang-impormasyon ng LMC.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>