|
||||||||
|
||
Ipinahayag ni Chen Hai, Embahador ng Tsina sa Myanmar, nang kapanayamin ng China Media Group, na mabunga ang mekanismo ng LMC para sa Myanmar nitong 4 na taong nakalipas, na nagdulot ng aktuwal na kabutihan sa kapakanan ng mga mamamayan ng Myanmar.
Sa hinaharap, nakahanda ang Tsina na mahigpit na makipagkooperasyon sa iba't ibang kinauukulang bansa para magbigay ng ambag sa magkakasamang pagtatatag ng pinagbabahaginang kinabukasan ng mga bansa ng LMC, anyia pa niya.
Kumakalat ngayon ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong daigdig. Tinukoy ni Chen na sa background na ito, dapat magkaisa at magtulungan ang mga mamamayan at pamahalaan ng mga bansa ng LMC para damayan ang isa't isa.
Ipinahayag sa 3rd LMC Meeting ni Premiyer Li Keqiang ng Tsina na itatatag ng Tsina ang espesyal na pondo, sa framework ng LMC, para patuloy na ipagkaloob ang suporta sa mga bansa ng LMC sa paglaban sa COVID-19. Mayroong priyoridad ang mga bansa ng LMC na makuha ang bakuna ng COVID-19 kapag matapos ng Tsina ang pananaliksik at pagsubok nito. Ito ay hindi lamang makabuti sa paglaban sa pandemiya ng mga bansa sa rehiyong ito, kundi makabuti rin sa pagtatatag ng LMC bilang modelo ng sub-region cooperation ng Belt and Road, saad ni Chen.
Ngayong taon ay Ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Myanmar. Dumalaw si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Myanmar noong unang dako ng taong ito, at iniharap niya ang ideya ng magkakasamang pagtatatag ng pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Myanmar. Tinukoy ni Chen na sa pamamagitan ng 3rd LMC Leaders' Meeting, aktuwal na pasusulungin ng Tsina at Myanmar ang LMC, para magkasamang magsikap sa pagtatatag ng pinagbabahaginang kinabukasan ng mga bansa ng LMC.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |