Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pulong ng mga Ministrong Panlabas sa Kooperasyong Silangang Asyano, dinaluhan ni Wang Yi

(GMT+08:00) 2020-09-10 14:17:17       CRI

Sa pamamagitan ng video link, nitong Miyerkules, Setyembre 9, 2020, dumalo si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa serye ng Pulong ng mga Ministrong Panlabas sa Kooperasyong Silangang Asyano.

Sa kanyang paglahok sa Pulong ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), sinabi ni Wang na ngayo'y nasa prontera ang Tsina at mga bansang ASEAN sa pakikibaka ng buong daigdig laban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) at pagsusulong ng panibagong simula pagkatapos ng pandemiya.

Sinabi ni Wang na buong tatag na palalawakin ng Tsina ang pagbubukas sa labas, bagay na makakapaghatid ng benepisyo sa iba't-ibang bansa sa rehiyong ito na kinabibilangan ng mga bansang ASEAN.

Sa panahon matapos ang pandemiya, nakahanda ang panig Tsino na aktibong pasulungin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa mga bansang ASEAN, dagdag niya.

Ipinahayag naman ng mga Ministrong Panlabas ng 10 bansang ASEAN ang kanilang papuri sa namumuno at konstruktibong papel ng panig Tsino sa magkakasamang pagharap sa pandemiya.

Nakahanda anila silang magkakasamang pangalagaan ang katatagan at seguridad sa South China Sea para mapasulong ang kaunlaran at kasaganaan sa rehiyong ito.

Sa kanya namang pagdalo sa Ika-21 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN, Tsina, Hapon, at Timog Korea (10+3), sinabi ni Wang na hindi pa tapos ang pandemiya sa buong daigdig.

Dapat aniyang patuloy na isaayos ang mga pangangailangan sa paglaban sa pandemiya at pag-unlad, at likhain ang bagong kalagayang pangkooperasyon upang mapasulong pa ang 10+3 cooperation sa bagong yugto.

Ipinahayag naman ng mga Ministrong Panlabas ng Hapon, Timog Korea, at mga bansang ASEAN, ang kanilang pag-asang malalagdaan ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa loob ng kasalukuyang taon.

Dapat anilang igiit ng mga bansa ng 10+3 ang pagkakaisa, pagtutulungan, at pagbubukas, at palalimin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng pampublikong kalusugan, pamumuhunan, kaligtasan sa pagkain, at turismo para magkakasamang magpunyagi para sa katatagan, kaunlaran, at kasaganaang panrehiyon.

Sa kanyang pagdalo sa Ika-10 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Summit ng Silangang Asya, sinabi ni Wang na ang taong ito ay ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng nasabing summit.

Ani Wang, ang pinakamahigpit at pinakamahalagang tungkulin sa kasalukuyang summit ay pagtitipun-tipon ng pagkakasundo upang labanan ang pandemiya, pasulungin ang kooperasyon sa pag-usbong ng kabuhayan, at pangalagaan ang pangkalahatang kalagayan ng kapayapaan at kaunlarang panrehiyon.

Diin niya, buong tatag na sinusuportahan ng panig Tsino ang pagpapatingkad sa namumunong papel ng ASEAN sa kooperasyon ng Silangang Asya.

Dapat aniyang magkatugma ang iba't-ibang kasapi ng East Asia Summit sa unibersal na mithiin na magkaroon ng paggalang sa kanilang lehitimong kahilingan, igiit ang multilateralismong kooperasyong may katangiang Silangang Asyano, at tumalima sa pundamental na prinsipyo ng kooperasyong panrehiyon upang makapagbigay ng mas maraming ambag sa paggarantiya ng pangmalayuang kapayapaan, kasaganaan, at kaunlaran sa rehiyong Silangang Asyano, dagdag pa niya.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>