|
||||||||
|
||
Huwebes, Setyembre 10, 2020 ay ika-36 na Araw ng mga Guro ng Tsina.
Hinggil ditto, laging iginagalang at pinahahalagahan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga guro at edukasyon.
Binanggit niya minsan na "maraming guro ang nagturo sa akin, at natatandaan ko ang kani-kanilang itsura. Tinuruan nila ako, hindi lamang ng mga kaalaman, kundi rin ng mga prinsipyo sa pagiging isang mabait na tao."
Sapul nang manungkulan bilang pangulong Tsino, maraming beses na bumisita sa mga paaralan si Xi, upang makipag-usap sa mga guro at estudyante.
Saad ni Xi, ang edukasyon ay pundasyon ng mga tungkulin ng bansa sa hene-henerasyon, at ang mga guro ay pundasyon naman ng edukasyon.
Sa puso ni Xi, ang edukasyon ay laging proyoridad ng kaunlaran.
Sa bisperas ng Araw ng mga Guro noong 2016, bumalik si Xi sa kanyang inang paaralan—Beijing Bayi School, para kumustahin ang mga guro't estudyante.
Inihayag niya ang pag-asang magiging tagapagpatnubay ng mga estudyante sa pagbuo ng moralidad, pag-aaral ng kaalaman, pagdedebelop ng kaisipan sa inobasyon, at pagbibigay-ambag sa inang bayan ang mga guro.
Sa kanya namang paglalakbay-suri sa Beijing Normal University noong 2014, ipinagdiinan din ni Xi ang kahalagahan ng karera ng mga guro.
Aniya, dapat may mithiin, paniniwala, moralidad, matibay na pundasyon sa kamalayan at pusong mapagmamahal ang mga guro.
Sa Pambansang Komperensiya ng Edukasyon noong Setyembre 10 ng 2018, binigyang-diin ni Xi na sa proseso ng pagtatayo ng moderno't malakas na bansang sosyalista, may mas mataas na kalihingan para sa mga guro, at kasabay nito, dapat lalo pang igalang at pahalagahan ng buong partido at lipunan ang mga guro at edukasyon.
Tulad ng sabi ni Xi, ang kasaganaan ng bansa, pag-ahon ng nasyon at pag-unlad ng edukasyon ay nangangailangan ng isang pangkat ng mga propesyonal na gurong may magadang moralidad, mahusay na kakayahan at lipos ng kasiglahan, upang isagawa ang mas malaking ambag para sa pagpapaunlad ng moderong edukasyong may katangiang Tsino at pandaigdigang lebel.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |