Sa regular na preskon nitong Huwebes, Setyembre 10, 2020, sinabi ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang paglago ng China-Europe freight trains sa kabila ng kritikal na epekto ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay muling nagpapakitang ang globaliasyong pangkabuhayan ay di-magbabagong agos ng panahon, at nakaasa sa isa't isa ang kabuhayan ng iba't ibang bansa.
Ayon sa pinakahuling datos, noong Agosto, kapuwa lumampas sa 60% ang paglago ng bilang ng mga biyahe at bolyum ng mga ipinadalang paninda ng China-Europe freight trains.
Isinalaysay ni Zhao na pagpasok ng kasalukuyang taon, ang pagkalat ng pandemiya sa buong mundo ay nagbunsod ng kritikal na epekto sa pandaigdigang transportasyon. Nakasalalay sa China-Europe freight trains ang transportasyong panlupa at tagapaghatid ng mga materyal at kagamitang kontra pandemiya.
Nakahanda ang panig Tsino na magpunyagi, kasama ng panig Europeo, para ibayo pang pataasin ang kapasidad at pagiging episyente ng mga tren, patuloy na palawakin ang kooperasyong panglohistika ng Tsina, Europa at mga bansa sa kahabaan ng ruta, at gawin ang bagong ambag sa kooperasyong kontra pandemiya ng iba't ibang bansa at konstruksyon ng Belt and Road.
Salin: Vera