Kaugnay ng katatapos na biyahe ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa 5 bansang Europeo, sinabi nitong Miyerkules, Setyembre 2, 2020 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa harap ng pagdami ng di-matiyak na elemento sa situwasyong pandaigdig, ang naturang pagdalaw ay isang estratehikong pagsasanggunian sa pagitan ng Tsina at mga bansang Europeo.
Ipinahayag ni Hua na ang kasalukuyang daigdig ay nahaharap sa pagpili sa pagitan ng multilateralismo o unilateralismo, pagbubukas o pagsasara, at kooperasyon o komprontasyon.
Sa mga isyung ito, may malawak at mahalagang pagkakasundo ang Tsina at Europa, ani Hua.
Dagdag pa niya, ang kasalukuyang taon ay ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Unyong Europeo (EU), at nakahanda aniya ang kapwa panig na magkakasamang magsikap para ibayo pang mapasulong ang pagtatamo ng mas malaking pag-unlad ng relasyong Sino-Europeo.
Salin: Lito