|
||||||||
|
||
Nitong Martes, Agosto 18, 2020, pormal na naisaoprasyon, sa kauna-unahang pagkakataon, ang treng "Bay Area" mula Shenzhen, Lalawigang Guangdong ng Tsina, patungong Duisburg, Alemanya.
Ang nasabing tren ay sa ilalim ng serbisyo ng China-Europe freight train.
Kaugnay nito, sinabi nitong Miyerkules, Agosto 19, 2020 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang China-Europe freight train ay hindi lamang nakakabuti sa mga bansa sa kahabaan nito, kundi pakikinabangan din ng pagbangon at pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.
Isinalaysay niyang noong unang hati ng taong ito, umabot sa 5,122 ang freight trips sa pagitan ng Tsina at Europa, at ito ay lumaki ng 36% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Kabilang dito, 1,169 ang freight trips noong Hunyo, na naging bagong rekord.
Samantala, 460,000 Twenty-foot Equivalent Unit (TEUs) ang kabuuang bolyum ng inihatid na paninda noong unang 6 na buwan, at ito ay lumaki ng 41%.
Diin ni Zhao, kahit sa kalagayan ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), matatag at maayos na pinatatakbo ang China-Europe freight train bilang isang proyekto ng Belt and Road - bagay na nagpadala ng matibay na signal ng kooperasyon, win-win sitation, at mutuwal na kapakinabangan sa pagitan ng Tsina at mga kaukulang bansa.
Ito rin aniya ay nagsilbing magandang modelo ng pagpapanumbalik ng iba't ibang bansa ng trabaho't produksyon, at pagpapasigla ng kabuhayan.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |