|
||||||||
|
||
Sa sidelines ng Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN), kinatagpo Lunes, Setyembre 23, 2019 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, si Tijjani Muhammad-Bande, Presidente ng Ika-74 na Pangkalahatang Asemblea ng UN.
Ipinahayag ni Wang na ang susunod na taon ay ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng UN. Aniya, kinakatigan ng Tsina ang UN sa pagdaraos ng serye ng selebrasyon para mapasulong ang multilateralismo, tutulan ang unilateralismo, pangalagaan ang nukleong papel ng UN sa mga suliraning pandaigdig, at proteksyunan ang komong kapakanan ng komunidad ng daigdig, partikular ng mga umuunlad na bansa.
Bumati naman si Tijjani Muhammad-Bande sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC). Lubos din niyang hinahangaan ang natamong tagumpay ng Tsina. Ipinahayag niya ang pasasalamat sa ibinibigay na ambag ng Tsina sa pagpapasulong ng kapayapaan at kaunlarang pandaigdig. Buong nananabik sa patuloy at buong lakas na pagkatig ng Tsina sa mga gawain ng UN, dagdag pa niya.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |