Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagtutulungan at pagpapalitan ng Tsina at Kazakhstan, isusulong

(GMT+08:00) 2020-09-13 13:10:22       CRI

Nur Sultan — Sa kanyang pakikipatgtagpo nitong Sabado, Setyembre 12, 2020 kay Pangulong Kassym-Jomart Tokayev ng Kazakhstan, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Minstrong Panlabas ng Tsina, na sa mahabang panahon, matatag na umuunld ang relasyon ng Tsina at Kazakhstan.

Aniya, naitatag nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Kassym-Jomart Tokayev ang mataas na lebel na pagtitiwalaan at malalim na pagkakaibigan, at magkasama nilang ipinatalastas ang pagpapataas ng relasyon ng daalwang bansa sa pangmalayuang komprehensibo't estratehikong partnership, bagay na nagpasimula ng bagong historikal na yugto sa relasyon ng dalawang bansa.

Sinabi ni Wang na hinahangaan ng panig Tsino ang natamong malaking tagumpay ng Kazakhstan sa pakikibaka laban sa pandemiya ng COVID-19. Nakahanda aniya ang panig Tsino na patuloy na magkaloob sa abot ng makakaya, ng pagkatig sa usaping ito.

Ipinahayag naman ni Kassym-Jomart Tokayev ang pasasalamat sa ibinibigay na tulong at pagkatig ng panig Tsino sa paglaban ng kanyang bansa sa pandemiya. Umaasa aniya siyang mapapalalim pa ng dalawang bansa ang kooperasyon sa pagsubok-yari ng bakuna.

Ipinahayag din niya ang kahandaang ng Kazakhstan na magsikap kasama ng Tsina para mapalalim ang pragmatikong kooperasyon sa iba't-ibang larangan, at makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa. Kahit anong pagbabago ang mangyari sa situwasyong pagdaigdig, matatag na tinututulan ng Kazakhstan ang panghihimasok sa suliraning panloob ng iba, diin pa niya.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>