Ayon sa ulat na inilabas kamakailan ng Kagawaran ng Tesororya ng Amerika, noong unang 11 buwan ng kasalukuyang fiscal year (mula unang araw ng Oktubre, 2019 hanggang Setyembre 30, 2020), pumalo na sa 3 trilyong dolyares ang financial deficit ng pederal na pamahalaan ng Estados Unidos.
Ayon sa pagtaya ng Congressional Budget Office (CBO) ng Amerika, dahil sa pandemiya ng COVID-19, lumalaki ang gastos ng pamahalaan at bumababa naman ang kita nito. Anito, aabot sa 3.3 trilyong dolyares ang financial deficits ng pamahalaan sa 2020 fiscal year na tatlong beses mas malaki kumpara sa 2019 fiscal year.
Bukod dito, sa 2021 fiscal year, malalampasan ng lebel ng utang ng pederal na pamahalaan ng Amerika ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP), anito pa.
Salin: Lito