Nagbabala Martes, Hulyo 3, 2018 ang International Monetary Fund (IMF) na ang fiscal stimulus policy sa pagbabawas ng buwis at pagdaragdag ng gugulin ng pamahalaan ng Estados Unidos ay posibleng magdulot ng panganib ng di-inaasahang pagtaas ng implasyon ng bansa. Para rito, posibleng kailangan ng Federal Reserve (Fed) ang mas mabilis na pagdaragdag ng interest rate, at ang mas mabilis na pagtaas ng interest rate ng Amerika ay magpapasidhi ng plaktuwasyon ng pamilihang pinansyal ng daigdig.
Malubhang nag-alala ang mga direktor na tagapagpaganap ng IMF na ang patakarang pangkalakalan kamakailan ng Amerika ay posibleng magdulot ng kapinsalaan sa kabuhayang panlabas ng Amerika, makatawag ng ganting-hakbangin ng ibang ekonomiya, at magpahina sa bukas at makatarungang sistema ng multilateral na kalakalan. Hinimok nila ang awtoridad ng Amerika na sa pamamagitan ng konstruktibong kooperasyon nila ng ibang trade partner, bawasan ang hadlang sa kalakalan, at lutasin ang alitan sa kalakalan at pamumuhunan, sa halip ng pagsasagawa ng mga nakapipinsalang unilateral na hakbangin.
Salin: Vera