Noong panahon ng Ika-13 Panlimahang-taong Plano ng Tsina, ipinagkaloob ng Pamahalaang Sentral ng Tsina ang 70 bilyong yuan RMB sa iba't ibang lokal na pamahalaan para suportahan at tulungan ang mga guro sa kanayunan, at pataasin ang lebel ng kanilang pagtuturo.
Sa panahon ng Ika-14 na Panlimahang-taong Plano, lalo pang patitibayin at pabubutihin ng Pamahalaang Sentral ang mga kinauukulang hakbangin at patakaran, patuloy na gagawing priyoridad ang pagsuporta sa mga guro, at walang humpay na pataasin ang kakayahan ng mga guro sa kanayunan.
Salin:Sarah