|
||||||||
|
||
Natapos Setyembre 13, 2020, ang Tunnel ng Pagkakaibigan ng China-Laos Railway, pagkaraan ng 1,543 araw na pagsisikap ng mahigit 1,200 manggagawa.
Ito ay sumasagisag na tapos na ang 97.5% ng kabuuang tunnel sa loob ng Tsina, at nagtatag ng pundasyon para sa operasyon ng kabuuang linya ng daambakal.
Ang tunnel ng pagkakaibigan ay nasa purok-panghanggahan ng Tsina at Laos.
Ito'y ang tanging trans-border na tunnel ng China-Laos Railway.
Dagdag pa riyan, 9.59 kilometro ang kabuuang haba nito, na may 7.17 kilometro na linya na sa loob ng Tsina, at 2.42 kilomtero sa loob ng Laos.
Ang pangalan ng " Tunnel ng Pagkakaibigan" ay naglalayong magpakita ng tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Sinabi ni Liu Juncheng, opisyal ng China Railway Kunming Group Co.,Ltd., na ang pagtatapos ng Tunnel ng Pagkakaibigan ay palatandaan ng isa pang matatag na hakbang sa konstruksyon ng China-Laos Railway.
Ang China-Laos Railway ay kauna-unahang transnasyonal na daambakal na pangunahing inilaan at itinatag ng Tsina, gumamit ng pamantayang panteknolohiya ng Tsina at pasilidad ng Tsina, at direktang nag-uugnay sa railway network ng Tsina.
Mahigit 1 libong kilometro ang kabuuang haba nito.
Salin:Sarah
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |