|
||||||||
|
||
Beijing — Nitong Martes ng hapon, Hulyo 21, 2020, idinaos nina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Thongloun Sisoulith, Punong Ministro ng Laos ang virtual meeting.
Ipinahayag ni Li na magkasamang nanunungkulan ang Tsina at Laos bilang bansang tagapangulo ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC). Aniya, dahil sa biglang sumiklab na pandemic ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), ipinagpaliban ang pagdaraos ng Ika-3 Pulong ng mga Lider ng LMC na nakatakdang ganapin sana noong unang hati ng kasalukuyang taon. Layon ng pagkakaroon ng nasabing virtual meeting na palakasin ang pagsasanggunian at pagkokoordinahan, pabutihin ang paghahanda para sa Pulong ng mga Lider ng LMC sa loob ng taong ito, patuloy na palawakin ang konektibidad at koneksyong pangkalakalan sa rehiyong ito, at ilabas ang positibong sinyales ng pagpapalakas ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at magkakasamang pagharap sa mga hamon, aniya pa.
Tinukoy din ng premyer Tsino na lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang pagpapaunlad ng relasyon sa panig Lao. Nakahanda aniya nitong patuloy na isulong ang kooperasyon ng dalawang panig sa mga mahalagang proyekto upang mapa-unlad pa ang relasyong Sino-Lao.
Lubos namang pinapurihan ni Thongloun ang pag-unlad ng relasyong Lao-Sino. Pinasalamatan din niya ang mga ibinibigay na suporta ng Tsina sa Laos.
Inulit din niya ang matatag na suporta ng panig Lao sa panig Tsino sa mga isyung may kaugnayan sa nukleong kapakanan nito.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |