Miyerkules, Setyembre 16, 2020, nagpadala ng mensahe si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Governor-General Bob Dadae ng Papua New Guinea, bilang pagbati sa ika-45 anibersaryo ng kasarinlan ng Papua New Guinea.
Tinukoy ni Xi na nitong nakalipas na 45 taon sapul nang makamit ng Papua New Guinea ang kasarinlan, walang humpay na umunlad ang pagtatatag ng bansa, at unti-unting bumuti ang pamumuhay ng mga mamamayan. Aniya, buong lugod niyang nakita ang mga historikal na tagumpay na natamo ng mga mamamayan ng Papua New Guinea.
Saad ni Xi, sa kasalukuyan, mainam ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, lumalalim nang lumalalim ang pagtitiwalaang pulitikal ng kapuwa panig, at mabungang mabunga ang kanilang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang larangan,
Diin niya, lubos na pinahahalagahan niya ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, at nakahandang magsikap, kasama ni Governor-General Dadae, upang mapalawak ang pragmatikong kooperasyon at mapagkaibigang pagpapalitan sa iba't ibang larangan, mapasulong ang pagtamo ng komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa ng mas malaking bunga, at ihatid ang mas maraming benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.
Salin: Vera