Lunes, Setyembre 14, 2020, nagpadala ng mensahe sa isa't isa sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Simonetta Sommaruga ng Switzerland, bilang pagbati sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Saad ni Xi, ang Switzerland ay isa sa mga bansang kanluranin na pinakamaagang nagtatag ng relasyong diplomatiko sa Republika ng Bayan ng Tsina. nitong nakalipas na 70 taon, may napakalaking pag-unlad ang bilateral na relasyon, at nagsilbi itong modelo ng mapagkaibigang kooperasyon ng mga bansang may magkaibang sistemang panlipunan at magkaibang yugto ng pag-unlad.
Nakahanda siyang magsikap, kasama ni Pangulong Sommaruga, at gawing pagkakataon ang okasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, upang pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng may inobasyong estratehikong partnership ng dalawang bansa, at ihatid ang benepisyo sa dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.
Saad naman ni Sommaruga, dahil sa pangmalayuan, mahigpit at mapagkaibigang relasyon ng dalawang bansa, sa harap ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), magkakapit-bisig na pinagtatagumpayan ng Tsina at Switzerland ang kahirapan. Nakahanda aniya ang kanyang pamahalaan na ibayo pang palalimin ang bilateral na relasyon at pahigpitin ang pag-uunawaan.
Salin: Vera