|
||||||||
|
||
Ipinahayag nitong Miyerkules, Setyembre 16, 2020 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na muling pinatutunayan ng ulat ng grupo ng mga dalubhasa ng World Trade Organization (WTO), na ang Amerika ang tunay na naninira sa alituntuning pandaigdig.
Inilabas nitong Martes ng grupo ng mga dalubhasa ng WTO ang ulat hinggil sa pagsasakdal ng Tsina sa pagpapataw ng Amerika ng karagdagang taripa sa inaangkat na produktong Tsino, sa ilalim ng Section 301 investigation.
Ipinalalagay ng nasabing ulat na ang kaukulang hakbangin ng Amerika ay labag sa obligasyon ng WTO.
Kaugnay nito, sinabi ni Wang na hinahangaan ng panig Tsino ang obdyektibo't makatarungang hatol ng WTO.
Saad ni Wang, palagiang buong tatag na kinakatigan at pinangangalagaan ng panig Tsino ang multilateral na sistemang pangkalakalan, kung saan ang nukleo ay WTO, at iginagalang ang mga alituntunin at hatol ng WTO.
Umaasa aniya siyang lubos na igagalang ng panig Amerikano ang hatol ng grupo ng mga dalubhasa at multilateral na sistemang pangkalakalan; pangangalagaan, kasama ng mga kasapi ng WTO ang nasabing sistema, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon; at pasusulungin ang matatag at malusog na pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |