|
||||||||
|
||
Mula ika-12 hanggang ika-14 ng Oktubre, gaganapin sa Fuzhou, Lalawigang Fujian ng Tsina ang Ika-3 Digital China Summit.
Itatayo ng nasabing summit ang plataporma ng "cloud summit," upang itanghal ang mga aktibidad, kapuwa sa online at offline platforms.
Sa news briefing nitong Huwebes, Setyembre 17, 2020, isinalaysay ni Yang Xiaowei, Pangalawang Direktor ng Cyberspace Administration of China (CAC), na ang tema ng nasabing porum ay "Innovation-driven digital transformation, Dekalidad na pag-unlad na pinamumunuan ng intelligent."
May 7 seksyon ang nilalaman ng summit na kinabibilangan ng isang pangunahing porum, isang eksibisyon at 5 sub-forums.
Ayon sa salaysay ni Zhao Long, Pangalawang Gobernador ng Fujian, ididispley sa eksibisyon ang natamong bunga ng Tsina sa digital transformation, sa pamamagitan ng virtual reality at artificial intelligence (AI).
Itatanghal din ng mga tech giant na gaya ng Huawei, Alibaba at Tencent ang kani-kanilang pinakasulong na produkto.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |