
Dumalaw kamakailan sa Taiwan ng Tsina si Pangalawang Kahilim Keith Krach ng Estado ng Amerika, na naging ikalawang beses na pagdalaw ng mataas na opisyal ng Amerika sa Taiwan.
Ito ay malubhang lumabag sa prinsipyo ng Isang Tsina, at mga kasunduan ng Tatlong Komunike ng Tsina at Amerika, malubhang sumira ng relasyong Sino-Amerikano at katatagan ng Taiwan Straits.
Ang isyu ng Taiwan ay may kinalaman sa mahalagang kapakanan ng Tsina, ito'y pinakamahalaga at pinakasensitibong isyu ng relasyong Sino-Amerikano. Nitong taong ito, walang humpay na ipinalabas ng ilang politikong Amerikano ang maling signal sa mga grupong nagsusulong ng pagsasarili ng Taiwan na naglalayong buhayin ang di-kasiya siyang emosyon sa loob ng bansa sa panunulsol ng gobyerno ng Amerika.
Bukod dito, dahil sa zero-sum mentality, pinipigilan ng Amerika ang pag-unlad ng Tsina.
Tulad ng pananalita ni Xi Jinping, pinakamataas na lider ng Tsina, na sa harap ng anumang hamon na makakasira ng masusing kapakanan at mahalagang prinsipyo ng Tsina, palagiang lalabanan ito ng Tsina sa pamamagitan ng matatag na pakikitungo hanggang magtagumpay ang Tsina. Ang mga maling aksyon ng Amerika ay tiyak na makakaranas ng malakas na ganting hakbang mula sa Tsina.
Salin:Sarah