|
||||||||
|
||
Ipinalabas Setyembre 3, 2020, ng Sentro ng Pananaliksik sa Pag-unlad ng Xinjiang ang ulat, na nagpaliwanag ng isyung may kinalaman sa di umano'y genocide sa Xinjiang, bilang tugon sa kasinungalingan ipinagkakalat ng ilang politikong Amerikano.
Ayon sa ulat, lumalaki ang populasyon sa Xinjiang mula taong 2010 hanggang 2018. Noong 2018 nasa 12.17 milyon ang populasyon ng lahing Uygur sa Xinjiang, na lumaki ng doble kumpara sa 5.56 milyong populasyon nito noong 1978.
Ang katotohanang ito ay lubos na nagpapakita na hindi totoo ang bintang na "sapilitang ipinalalaglag ang pagbubuntis ng mga kababaihan ng Xinjiang".
Mayroong isa pang mabuting balita mula sa Xinjiang. Kasabay ng pagkontrol sa epidemiya ng COVID-19, komprehensibong ipinapanumbalik ang normal na pamumuhay ng mga mamamayan sa Xinjiang. Muli nitong ipinakita na mabisa ang hakbangin ng paglaban sa COVID-19 na isinagawa ng pamahalaang Tsino kung saan naging pangunahin ang kalusugan at pamumuhay ng mga mamamayan ng iba't ibang nasyonalidad.
Pinayagan ng Tsina ang paglalakbay sa Xinjiang ng mga tauhan na tunay na nababahala sa Xinjiang. Kaugnay ng mga isyung may kinalaman ng Xinjiang, tiyak na mananalo ang katotohanan.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |