|
||||||||
|
||
Idinaraos ngayon sa Beijing ang 2020 China International Fair For Trade In Services (CIFTIS). Lumalahok dito ang 43 dayuhang organong pinansyal mula sa 18 bansa at rehiyon, na kinabibilangan ng mga kilalang brand na tulad ng Morgan Stanley, UBS Securities at iba pa, na lubos na nagpakita ng kanilang matatag na kompiyansa at mainam na pagtaya sa pamilihang pinansyal ng Tsina.
Ang kompiyansa ng mga dayuhang organong pinansyal ay galing sa makro-ekonomy ng Tsina, dahil sa malakas na katatagan at kakayahang bumangon sa harap ng pagsubok.
Ang isa pang dahilan nito ay mga hakbangin ng pamahalaang Tsino sa pagpapalawak ng pagbubukas ng pamilihang pinansyal.
Nitong nakaraang kalahating taon, sunud-sunod na pumasok sa pamilihang Tsino ang mga bangkong may puhunang dayuhan.
Ayon sa pinakahuling ulat ng Peterson Institute for International Economics (PIIE), sumali rin sa prosesong ito ang maraming organong pinansyal ng Amerika, na humadlang sa pagkalas o "decoupling" ng pinansyo ng Tsina at Amerika.
Sa 2020 CIFTIS, ipinalabas muli ng tatlong pangunahing organong Tsino ng pamamahala sa pinansyo ang mas maliwanag na signal ng lalo pang pagbubukas sa labas.
Nagsisikap ngayon ang Tsina para itatag ang bukas na bagong sistemang pinansyal, na makakabuti sa kabuhayan ng buong daigdig.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |