|
||||||||
|
||
Nakakamangha ang paghahanda ng Beijing para sa 2022 Olympic Winter Games, sinabi ito kamakailan ni Thomas Bach, Pangulo ng International Olympic Committee (IOC), nang kinapanayam siya ng China Media Group (CMG).
Sinabi ni Bach na ipinakikita talaga ang pamamaraang Tsino sa mga paghahanda para sa Beijing 2022 , na nagpapakita ng kasiglahan at episiyensya ng mga mamamayang Tsino.
Mahigit 800 libong tao ay nag-aplay para maging boluntaryo ng Beijing Winter Games, sinusuportahan rin ng mga kumpanyang Tsino ang palarong ito. Nag-iwan ito ng malalim ng impresyon kay Bach.
Pinapurihan ni Bach ang pamahalaang Tsino sa paghimok sa maraming mamamayan na subukin sa winter sports sa pamamagitan ng pagdaraos ng Winter Games.
Nananalig siyang pagkatapos ng 2022 Olympic Winter Games, tiyak na magkakaroon ng mas marami at mas mabuting pagbabago ng winter sports ng Tsina.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |