Ayon sa ulat kahapon, Sabado, ika-28 ng Disyembre 2019, ng China Railway Corporation, isasaoperasyon sa darating na Lunes ang high-speed railway sa pagitan ng Beijing, kabisera ng Tsina, at Zhangjiakou, lunsod ng lalawigang Hebei sa hilagang bahagi ng bansa.
Ang daambakal na ito ay isang pangunahing proyekto para sa 2022 Beijing Olympic at Paralympic Winter Games. Sa pamamagitan nito, ang panahon ng biyahe sa pagitan ng Beijing at Zhangjiakou, co-host city ng naturang mga palaro, ay mapapaikli sa 47 minuto lamang, mula sa mahigit tatlong oras.
Ang daambakal ay may 174 na kilometrong kabuuang haba, at maaari itong tumakbo ng 350 kph.
Samantala, isasaoperasyon din bukas ang Chongli Railway, sangay ng Beijing-Zhangjiakou High-speed Railway. Ang Chongli ay isang bahagi ng Zhangjiakou, at matatagpuan dito ang ilang venue ng Beijing Olympic at Paralympic Winter Games.
Salin: Liu Kai