|
||||||||
|
||
Sa bisperas ng Pambansang Araw at Mooncake Festival ng Tsina na matatapat Oktubre 1, ipinahayag ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas ang taos-pusong pagbati. Ipinahayad din niya ang patuloy na pagkatig sa pagkakaibigan ng Pilipinas at Tsina.
Sa kanyang pagdalaw sa embahadang Tsino nitong Setyembre 22, sinabi ni Arroyo na maraming beses siyang bumisita ng Tsina mula noong 1970s, at nakita niya ang malaking pag-unlad at pagbabago ng Tsina nitong ilang dekadang nakalipas. Gusto aniya niyang ipahayag ang papuri at paghanga sa mga natamong malaking progreso ng Tsina. Sa gitna ng epidemiya, ang Tsina ay naging unang ekonomiyang naisagawa ang pang-ahong pangkabuhayan, makikinabang dito ang Pilipinas at iba pang mga bansa sa rehiyong ito, dagdag pa niya.
Sa pagtatagpo, sinabi naman ni Embahador Huang Xilian na ang Tsina at Pilipinas ay mabuting magkapitbansa. Nitong ilang taong nakalipas, sa pamumuno at pag-iingat nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Rodrigo Duterte, pumasok sa "bagong ginintuang panahon" ang relasyong Sino-Pilipino. Lubos na ikinatutuwa aniya ni Huang ang pagkakataong makipagtagpo sa dating House Speaker at sinabing si Arroyo ay isa sa mga pinakamatalik na kaibigan ng mga mamamayang Tsino na nasaksihan ang pag-unlad ng Tsina at nakapagbigay ng malaking ambag sa pagpapahigpit ng relasyon ng dalawang bansa.
Ulat: Sissi
Pulido: Mac/Jade
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |