Sa kanyang talumpati sa pangkalahatang debatehan ng Ika-75 Pangkalahatang Asambleya ng United Nations (UN) nitong Martes, Setyembre 22, 2020, binigyang-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na hindi dapat samantalahin ng anumang bansa ang kahirapan ng ibang bansa, at panatilihin ang katatagan sa pamamagitan ng pagsasamantala ng kaligaligan ng ibang bansa.
Aniya, dapat buuin ang ideya ng malaking pamilya, kooperasyon at win-win situation, itakwil ang alitan sa ideolohiya, at igalang ang landas at modelo ng pag-unlad na kusang pinili ng iba't ibang bansa.
Salin: Vera