|
||||||||
|
||
Sa pangkalahatang debatehan ng Ika-75 Pangkalahatang Asambleya ng United Nations (UN) nitong Martes, Setyembre 22, 2020, bumigkas ng talumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Diin ni Xi, nilalabanan ng sangkatauhan ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Nagtutulungan ang mga mamamayan ng iba't ibang bansa, at nagpapakita ng lakas-loob, determinasyon at pagmamahalan ng sangkatauhan sa harap ng malubhang kalamidad. Ani Xi, tiyak na pagtatagumpayan ng sangkatauhan ang pandemiya.
Ipinagdiinan ni Xi na patuloy na ibabahagi ng Tsina sa iba't ibang bansa ang karanasan sa paglaban sa pandemiya at paraan ng panggagamot, ipagkakaloob sa mga bansang may pangangailangan ang suporta at tulong, igagarantiya ang katatagan ng global supply chain kontra pandemiya, at aktibong sasali sa pandaigdigang siyentipikong pananaliksik sa paghahanap ng pinanggalingan ng virus at paraan ng pagkalat.
Saad ni Xi, maraming bakuna na likha ng Tsina ang nasa phase III clinical trial. Pagkaraang matapos ang pagdedebelop, gagamitin ang mga ito bilang pandaigdigang produktong pampubliko, at bibigyan ng priyoridad sa pagkakaloob ng mga bakuna ang mga umuunlad na bansa.
Aniya, dapat buuin ang ideya ng malaking pamilya, kooperasyon at win-win situation, itakwil ang alitan sa ideolohiya, at igalang ang landas at modelo ng pag-unlad na kusang pinili ng iba't ibang bansa.
Saad ni Xi, di-maiiwasan ang hamong dulot ng globalisasyong ekonomiko, at dapat direktang harapin ang mahahalagang problemang gaya ng agwat sa pagitan ng mahihirap at mayayaman, agwat ng pag-unlad at iba pa.
Diin niya, dapat buuin ng iba't ibang bansa ang may inobasyon, koordinado, berde, bukas at pinagbabahaginang ideyang pangkaunlaran, samantalahin ang pagkakataong historikal ng bagong round ng rebolusyong pansiyensiya't panteknolohiya at tanspormasyong industriyal, at pasulungin ang "berdeng pagbangon" ng kabuhayang pandaigdig sa post-COVID era.
Binigyang-diin ni Pangulong Xi na ang pandemiya ng COVID-19 ay hindi lamang pagsubok sa kakayahang mamahala ng iba't ibang bansa, kundi pagsubok din pandaigdigang sistema ng pamamahala.
Saad ni Xi, ang global governance ay dapat umayon sa simulain ng magkasamang pagtalakay, pagtatatag at pagbabahagi, pasulungin ang patas na karapatan, pagkakataon at alituntunin ng iba't ibang bansa, at sundin ang agos ng kasaysayan na nagsusulong sa kapayapaan, kaunlaran, kooperasyon at win-win results.
Dapat ipakita ng malalaking bansa ang kani-kanilang pananagutan, isabalikat ang kani-kanilang responsibilidad, at ipagkaloob ang mas maraming pandaigdigang produktong pampubliko, dagdag niya.
Bilang pinakamalaking umuunlad na bansa sa daigdig, tumatahak aniya ang Tsina sa landas ng mapayapa, bukas, kooperatibo't komong pag-unlad. Magpakailanma'y hindi maghahangad ang Tsina ng hegemonismo, tututulan ang ekspansyon, hindi itatatag ang sariling rehiyon ng impluwensiya, at walang intensyong isasagawa ang cold war o hot war laban sa anumang bansa.
Ibinahagi ni Xi na bilang suporta sa pagpapatingkad ng UN ng nukleong papel sa mga suliraning pandaigdig, ipagkakaloob ng Tsina ang 50 milyong dolyares na karagdagang pondo sa UN COVID-19 Global Humanitarian Response Plan; itatayo ang China-FAO South-South Cooperation Trust Fund (Phase III) na nagkakahalaga ng 50 milyong dolyares; pahahabain nang 5 taon ang Peace and Development Trust Fund sa pagitan ng Tsina at UN na tatagal hanggang sa 2025; at itatayo ang UN Global Geospatial Knowledge and Innovation Center at International Research Center of Big Data, upang pasulungin ang pagpapatupad ng 2030 Agenda for Sustainable Development ng UN.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |