Sinabi nitong Martes, Setyembre 22, 2020 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang Paris Agreement ay kumakatawan sa pangunahing direksyon ng berde't mababang karbong pag-unlad ng buong mundo. Ito aniya ay aksyon sa pinakamababang digri na kailangang isagawa ng iba't ibang bansa, upang mapangalagaan ang mundo bilang tahanan.
Diin niya, dapat buuin ng iba't ibang bansa ang may inobasyon, koordinado, berde, bukas at pinagbabahaginang ideyang pangkaunlaran, samantalahin ang pagkakataong historikal ng bagong round ng rebolusyong pansiyensiya't panteknolohiya at tanspormasyong industriyal, at pasulungin ang "berdeng pagbangon" ng kabuhayang pandaigdig sa post-COVID era.
Winika ito ni Xi sa kanyang talumpati sa pangkalahatang debatehan ng Ika-75 Pangkalahatang Asambleya ng United Nations (UN) nang araw ring iyon.
Salin: Vera