Ipinagdiinan nitong Martes, Setyembre 22, 2020 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang globalisasyong ekonomiko ay agos ng panahon. Hinding hindi babalik sa pagkakawatak-watak o isolasyon ang buong mundo, at imposibleng maputol ng sinuman ang ugnayan sa pagitan ng iba't ibang bansa.
Saad ni Xi, di-maiiwasan ang hamong dulot ng globalisasyong ekonomiko, at dapat direktang harapin ang mahahalagang problemang gaya ng agwat sa pagitan ng mahihirap at mayayaman, agwat ng pag-unlad at iba pa.
Winika ito ni Xi sa kanyang talumpati sa pangkalahatang debatehan ng Ika-75 Pangkalahatang Asambleya ng United Nations (UN) nang araw ring iyon.
Salin: Vera