Ayon sa ulat ng British Broadcasting Corporation (BBC) nitong Lunes, Agosto 17, 2020, ipinakikita ng isang pinakahuling pagtasa na pinili ng halos 90% ng mga kompanya sa buong mundo ang Chinese mainland bilang unang tatlong purchasing destination nila. Nakikitang ang Tsina ay nagpapatingkad ng napakahalagang papel sa global supply chain.
Ang Tsina ay posibleng maging tanging ekonomiya na magpapatuloy ang paglago sa kasalukuyang taon.
Anang ulat, ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay nagbunga ng malaking epekto sa kalakalang pandaigdig, at nagturo rin sa mga kompanya ng isang mahalagang karanasan, alalaong baga'y di-paborable para sa mga kompanya ang laging pag-asa sa iisang bansa.
Tinukoy ng ulat na unti-unting nagbabago ang katayuan ng Tsina na ngayon ay pinakamahalagang kliyente ng daigdig, mula sa pagiging isang global supplier. Nitong nakalipas na ilampung taon, binigyang liwanag ng Tsina ang kalagayan ng kalakalang pandaigdig, at hindi magbabago ang situwasyong ito sa loob ng maikling panahon.
Salin: Vera