|
||||||||
|
||
Ayon sa datos na isinapubliko nitong Martes, Setyembre 15, 2020 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, noong isaang buwan, napawi ng kabuhayang Tsino ang mga negatibong epektong dulot ng pandemiya ng COVID-19 at pinsalang mula sa baha, patuloy na lumalaki ang pangunahing economic index, walang humpay na dumarami ang mga positibong pagbabago, at matatag na napapanumbalik ang kabuhayan.
Pinaniniwalaang ang sustenableng pagbuti ng kabuhayang Tsino ay may mahigpit na kaugnayan sa walang tigil na pagpapasulong nito ng pagbubukas sa mas mataas na lebel. Bunga ng tuluyang operasyon ng tatlong malaking platapormang Tsino sa pagbubukas sa labas na kinabibilangan ng China Import and Export Fair, China International Fair for Trade in Services, at China International Import Expo, napapasigla ang pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig.
Kasabay nito, sa sistematikong antas, ang isinasagawang pagbubukas ng Tsina sa labas ay nagkakaloob ng mas maraming pagkakataon sa daigdig sa pamamagitan ng pakikinabang sa malaking merkadong Tsino.
Ngunit, isang naibabalik na paglaki lang ang kasalukuyang pagbabago sa takbo ng kabuhayang Tsino. Kinakaharap pa ng kabuhayang Tsino ang masalimuot at mahigpit na situwasyong pandaigdig na gaya ng kumakalat na pandemiya sa buong daigdig, at presyur mula sa estruktural na kontradiksyon.
Pero, unti-unting lumalakas ang papel na tagapagpasulong sa kabuhayan mula sa pagtaas ng pangangailangan, pagbilis ng pamumuhunan, at pagpapanumbalik ng konsumo. May kakayahan ang Tsina na harapin ang mga kahirapan at panatilihin ang pag-ahon upang makapagbigay ng mataas na puwersa sa paglago ng kabuhayang pandaidig.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |