|
||||||||
|
||
Sa summit-level debate ng United Nations Security Council (UNSC) hinggil sa Global Governance Pagkatapos ng COVID-19 nitong Huwebes, Setyembre 24, 2020, mariing pinuna ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, ang tikis na akusasyon sa UN at Tsina ng pirmihang kinatawan ng Amerika sa UN.
Saad ni Zhang, sa mga talumpati ng karamihan ng mga miyembro ng UNSC, nanawagan silang igiit ang multilateralismo, at palakasin ang pagkakaisa at pagtutulungan, bagay na nagpapakita ng unibersal na komong palagay ng komunidad ng daigdig. Ikinalulungkot niya ang muling pagpapahayag ng kinatawang Amerikano ng tinig na di-angkop sa atmospera ng pulong.
Buong tatag na tinututulan at tinatanggihan aniya ng panig Tsino ang walang batayang pagbatikos ng panig Amerikano.
Aniya, sa panahong ito, madalas na binatikos ng iilang pulitikong Amerikano ang ibang bansa at mga organo ng UN. Ang ganitong kilos ay hindi nagpapawi sa virus, sa halip, malubha itong humahadlang sa magkasamang pagsisikap ng buong mundo laban sa pandemiya.
Dagdag ni Zhang, malinaw ang timeline ng Tsina sa pagharap sa pandemiya, at kapansin-pansin ang ginawang sakripisyo at pagpupunyagi nito para sa paglaban sa pandemiya.
Diin niya, ang Amerika ay siyang may pananagutan sa sariling pagkabigo sa pagharap sa pandemiya. Hanggang sa kasalukuyan, halos 7 milyon ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika, at lampas sa 200,000 ang pumanaw. Dapat may pananagutan sa ganitong situwasyon ang iilang pulitikong Amerikano.
Saad ni Zhang, sa kasalukuyan, nahaharap sa iba't ibang hamon ang daigdig, at isinasabalikat ng malalaking bansa ang espesyal na responsibilidad. Matapat na winewelkam ng Tsina, tulad ng ibang bansa, ang pagbibigay-ambag ng Amerika sa kapayapaan at progreso ng sangkatuhan.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |