Sa isang news briefing na idinaos Linggo, Setyembre 27, 2020 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, sinabi ni Li Chenggang, Asistante ng Ministro ng Komersyo ng Tsina, na ang China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA) ay nagsisilbing isa sa mga pinakamasiglang malayang sonang pangkalakalan sa buong daigdig.
Sinabi niya na ang kasalukuyang taon ay ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng CAFTA. Aniya, nitong 10 taong nakalipas, nakapasok sa golden age ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN. Noong katapusan ng nagdaang taon, umabot sa 223 bilyong dolyares ang halaga ng bilateral na pamumuhunan ng dalawang panig, aniya pa.
Dagdag niya, patuloy na magsisikap ang Tsina, kasama ng iba't-ibang bansang ASEAN upang maisakatuparan nang mabuti ang China-ASEAN Free Trade Agreement at makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa mas maraming bahay-kalakal at mamamayan ng dalawang panig.
Salin: Lito