|
||||||||
|
||
Idinaos Setyembre 9, 2020 ang virtual meeting ng Ika-53 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Sa talumpati ni Nguyễn Xuân Phúc, Punong Ministro ng Biyetnam, nanawagan siya para sa pagkakaisa ng iba't ibang bansa ng ASEAN para harapin ang pandemiya ng Corona virus Disease 2019 (COVID-19) at pasulungin ang pagpapanumbalik ng lipunan pagkatapos ng pandemiya.
Iminungkahi din niya na dapat lubos na gamitin ang pondo ng ASEAN, para palakasin ang kakayahan ng ASEAN sa paglaban sa COVID-19, pasulungin ang pagpapanumbalik ng pagtatrabaho at normalisasyon ng pamumuhay, at pabilisin ang pag-ahon ng kabuhayan.
Dapat pasulungin ang kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng iba't ibang bansa, palakasin ang supply chain, suportahan sa isa't isa, para paliitin ang agwat ng pag-unlad sa pagitan ng iba't ibang sub-rehiyon ng ASEAN, sinabi pa niya.
Ipinahayag naman ni Pham Binh Minh, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Biyetnam, na sa pulong na ito, tatalakayin kung paaano lalo pang mapapasulong ang kooperasyong panrehiyon at integrasyon para isakatuparan ang itinakdang target ng ASEAN.
Ang Biyetnam ay kasaukuyangTagapangulong Bansa ng ASEAN.
Idinaraos mula Setyembre 9 hanggang Setyembre 12 ang Ika-53 Pulong ng mga Ministrong Panlabas, na kinabibilangan ng Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at ASEAN, Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN at Tsina, Hapon at Timog Korea, Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Summit ng Silangang Asya, Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Porum sa rehiyon ng ASEAN at iba pa.
Salin:Sarah
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |