Noong Oktubre 1, 2014, nagtalumpati si Xi Jinping ng mahalagang talumpati sa resepsyon bilang pagdiriwang sa ika-65 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina. Sapul nang pumasok sa bagong siglo, ito ang unang talumpating binigkas ng pinakamataas na lider ng Tsina sa resepsyon ng Pambansang Araw.
Sa talumpati, iniharap ni Xi Jinping ang "walong paggigiit" na kinabibilangan ng paggigiit ng pangunahing katayuan ng mga mamamayan, paggigiit ng pagpapalaya at pagpapaunlad ng kakayahan ng produksyon, paggigiit ng pagpapasulong ng reporma at pagbubukas sa labas, paggigiit ng pangangalaga sa katarungang panlipunan, paggigiit ng pagtahak ng landas ng magkakasamang pagyaman, paggigiit ng pagpapasulong ng harmoniyang panlipunan, paggigiit ng mapayapang pag-unlad, at paggigiit ng pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Komprehensibong nilagom ng naturang "walong paggigiit" ang layunin, landas, at prinsipyo ng pagpapaunlad ng mga usapin ng Tsina, bagay na nakakapagbigay ng bagong direksyon para sa umaahong Tsina.
Salin: Lito