Ang mga tao at kalikasan ay hindi maihihiwalay, at mayroon silang pinagbabahaginang tadhana. Ito ang aral na maaaring mapulot ng sangkatauhan sa hamon ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ang naturang paninindigan ay ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang video speech sa United Nations Summit on Biodiversity, na ginanap nitong Miyerkules, Setyembre 30.
Hiniling din ni Xi sa mga komunidad ng daigdig na magkaisa para maprotektahan ang kalikasan sa proseso ng pag-unlad, at isakatuparan ang kaunlaran kasabay ng pag-aalaga sa mga likas na yaman.
Umaasa ang pangulong Tsino na magkakapit-bisig ang iba't ibang bansa para magkakasamang itatag ang magandang tahanan, kung saan maharmonyang nabubuhay ang lahat ng bagay na may buhay.
Salin: Jade
Pulido: Rhio