Sa harap ng iba't ibang pandaigdig na panganib at hamong pangkapaligiran, may pinagbabahaginang kinabukasan ang lahat ng mga bansa, kaya ang unilateralismo ay hindi uubra at ang pagtutulungan ay ang siyang tanging tumpak na landas.
Ito ang ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang video speech sa United Nations Summit on Biodiversity, na ginanap nitong Miyerkules, Setyembre 30.
Nanawagan din si Xi sa mga kalahok na bansa na ipagtanggol ang pandaigdig na sistema kung saan ang United Nations (UN) ang siyang nukleo, at pangalagaan ang dignidad at kapangyarihan ng pandaigdigang alituntunin upang mapalakas ang kakayahan sa pandaigdigang pangangasiwa ng sistemang ekolohikal.
Salin: Jade
Pulido: Rhio